Mga laro ngayon

San Juan Arena

10 a.m. – Ateneo vs UST (Men)

2 p.m. – UP vs UE (Women)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

4 p.m. – Ateneo vs NU (Women)

Nakatakdang simulan ngayon ng Ateneo de Manila ang kanilang kampanya para sa target nilang ikatlong sunod na women’s title at back-to-back men’s crown sa pagbubukas ngayon ng UAAP Season 78 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Makakasagupa ng reigning back-to-back champion Lady Eagles ang isa sa mga itinalagang contenders nila ngayong taon na National University sa tampok na laban ganap na 4:00 ng hapon habang makakatapat naman ng reigning champion Blue Eagles ang University of Santo Tomas sa ikalawang laban sa men’s division ganap na 10:00 ng umaga.

Inaasahang hindi magiging madali para sa Lady Eagles na makamit ang inaasam na pambungad na panalo dahil mas magandang performance ang tinatayang maipapamalas ngayon ng Lady Bulldogs sa ilalim ng dating headcoach ng una na si coach Roger Gorayeb.

Malaking hamon para sa itinuturing na anak-anakan ni Gorayeb na si reigning back-to-back MVP Alyssa Valdez na tapusin ang kanyang huling taon sa UAAP sa pamamagitan ng pagwawagi ng ikatlong sunod nilang titulo.

Bagamat sila ang itinalagang “team-to-beat” sa taong ito, naniniwala si Valdez na patas lamang ang tsansa ng lahat ng teams.

“You know, every year it’s a different story. Every year, iba ‘yung mga challenges ng bawat team,” ani Valdez na umaming nalulungkot sya dahil papatapos na ang kanyang collegiate career.

“I’m really excited for this upcoming UAAP kasi sobrang tagal ng preparation ng lahat. Sobrang ganda ng recruitment ng lahat. And siyempre iba pag UAAP. Papatunayan at ipaglalaban mo ‘yung pride ng school mo talaga. All-out, all-heart tayo,” dagdag pa nito.

Hindi naman nag-iisa si Valdez sa mga sasandigan ng kanilang Thai coach na si Anusorn Bundit na mamumuno sa koponan dahil nandiyan upang sumuporta sina last year Finals MVP Amy Ahomiro, Jhoanna Maraguinot at mga national team members na sina Bea de leon at Jia Morado.

Magtatangka namang putulin ang kanilang anim na dekadang pagkauhaw sa titulo sina 6-foot-4 middle spiker Jaja Santiago,Myla Pablo, Jorelle Singh, Ivy Perez at Bia General.

Ateneo going.

“As of now, okay naman sila as a team,” ayon sa multi-titled coach na si Gorayeb.

Bago ang salpukan ng Ateneo at NU, magtutuos para sa unang women’s match ang University of the Philippines at ang University of the East.

Pinaghalong mga beterano at mga mahuhusay na rookies ang roster sa taong ito, isa sa mga sinasabing “dark horse” ng torneo ang Lady Maroons na sasalang ganap na 2:00 ng hapon kontra Lady Warriors matapos ang ikalawang laban sa men’s division sa pagitan ng Ateneo at UST kasunod ng pambungad na laro sa pagitan ng men’s squads ng Far Eastern University at University of the Philippines ganap na 8:00 ng umaga.

Target ng Lady Maroons na makapasok ngayong taon ng Final Four sa pamumuno ng mga beteranong sina Kathy Bersola, Nicole Tiamzon at Pia Gaiser kabalikat ang mga impresibong rookies na sina Isa Molde, Diana Carlos at Justine Dorog.

“I think I saw them mature a bit more,” ani UP coach Jerry Yee.

Sa kabilang dako,naghahangad naman ang UE na wakasan na ang nagdaang mga winless season para sa Lady Warriors sa pangunguna nina Shaya at Jasmine Adorador, Angelica Dacaymat, Roselle Baliton at last season co-Rookie of the Year winner Kat Arado. (Marivic Awitan)