IPINAGKALOOB ng Diyos ang isa sa mga bunga ng pagpapakahirap ni Alden Richards, dahil ilang araw na raw lamang ay lilipat na sila sa kanyang dream house para sa pamilya niya, ang two-storey house sa isang exclusive subdivision sa Sta. Rosa, Laguna.
“Excited na po ako, may ilang finishing touches na lamang sa bahay at makakalipat na po kami doon next month. Siyempre po, una ang pasasalamat ko sa Diyos sa lahat ng blessings na ibinibigay Niya sa akin at natupad ko na rin ang dream ko para sa aking family. Salamat din sa support ng aking pamilya.”
May nagpadala sa amin ng picture ng bahay na ipinatayo ni Alden na may five bedrooms. Sa Sta. Rosa rin ang original house nila, pero nasira ito ng bagyong Ondoy kaya pansamantala silang lumipat sa isang bahay malapit sa Enchanted Kingdom, na hindi inaabot ng baha.
Ang pagkawasak ng dating bahay ang bale naging inspirasyon ni Alden para lalong magsikap at kahit halos hindi na siya matulog at kahit ang daming nagagalit sa kanya dahil hindi raw niya iniisip ang health niya, tuloy ang trabaho niya.
“Nakuha ko rin po sa pagiging ambassador ng Habitat for Humanity, ang makapagpagawa ng sariling bahay,” sabi ni Alden. “Tumutulong ako kapag may mga bagong project ng ipinatatayong bahay sa iba’t ibang lugar para sa ating mga kababayan.”
Last Friday, bago nag-Eat Bulaga, dinalaw ni Alden ang Habitat Community sa Bistekville sa Payatas, Quezon City.
Doon siya nag-celebrate ng post birthday party niya noong January 2, at nag-storytelling din sa mga bata roon. Iyon nga lamang, hindi na niya natapos ang storytelling niya dahil nakiusap ang mga tao roon na makipag-picture sa kanya.
Kaya naman nahuli si Alden sa opening number niya ng Eat Bulaga.
Kinagabihan, um-attend naman si Alden ng isang special show with Christian Bautista para sa Habitat for Humanity.
(NORA CALDERON)