LOS ANGELES (AP) – Nagposte ng 27 puntos si Chris Paul upang pangunahan ang Los Angeles Clippers sa paggapi sa Lakers, 105-93, para sa kanilang franchise-record na ika-9 na sunod na panalo kontra sa kanilang Staples Center co-tenant.

Nag-ambag naman si Austin Rivers ng 17 puntos off the bench para sa Clippers na umangat sa barahang 14-3, panalo-talo, kahit wala ang star-forward na si Blake Griffin.

Isang buwang hindi makakalaro si Griffin dahil sa tinamo nitong “broken right hand” matapos suntukin ang isa nilang team staff member sa kanilang road game noong nakaraang linggo.

Nauna nang hindi nakalaro si Griffin mula noong Disyembre 26 dahil sa nauna niyang injury.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang kabiguan ang ika-9 na sunod para sa Lakers at kanilang ika-13 sa kabuuang 14 na laro.

Ang pinakamahabang losing streak ng Lakers magmula nang lumipat sila ng Los Angeles ay 10-game skid sa pagtatapos ng 1993-94 season sa ilalim pa noon ng interim coach na si Magic Johnson.

Nanguna para sa Lakers si Julius Randle na may 23 puntos at 14 rebound kasunod si Jordan Clarkson na may 17 puntos habang hindi naman lumaro si Kobe Bryant.

Ang panalo ang ikatlong sunod para sa Clippers at ikalima sa pitong laban.

Ang kanilang bench ang siyang nagdala sa Clippers nang tanging si Paul lamang ang naka-iskor ng double figures.

Sa katunayan, na-outscore ng kanilang reserves ang Lakers bench, 56-25, sa pamumuno nina Rivers, Lance Stephenson na may 16 na puntos at Jamal Crawford na may 15 puntos.

Ang magkakasunod na 3-pointers mula kina Crawford at Stephenson ang nagbigay sa Clippers ng 90-76 kalamangan sa fourth period.

Nakalapit pa mula doon ang Lakers at naibaba ang kalamangan sa 8 puntos matapos ang anim na sunod na puntos mula kay Randle.

Nakabig pa nila ang kalamangan nang buksan ang third quarter sa pamamagitan ng 14-5 run para iposte ang 63-59 bentahe.

Ngunit gumanti ang Clippers ng 19-7 blast upang mabawi ang bentahe,78-71 papasok ng fourth canto.