Nakatakdang isagawa sa labas ng Metro Manila sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng pinakamatagal na running event sa bansa na Milo Marathon ang kanilang National Finals.

Nasa ika-40 taon na ngayon ng pagdaraos ng itinuturing na “longest running marathon event” ng bansa at napagdesisyunan na ganapin sa Iloilo City ang kanilang pinakaultimong kampeonato sa Disyembre 4.

Ito ang inihayag ni Milo Sports Executive Andrew Neri sa ginawang pag-anunsiyo sa publiko ng buong kalendaryo ng pinakaaabangan kada taon na takbuhan gayundin ang iba pa nitong programa tulad ng Milo Little Olympics at ang Milo Summer Sports Clinics.

“Yes, we will stage it for the first time in a province particularly in Iloilo,” sabi ni Neri.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Katatapos lamang nilang isagawa noong nakaraang Disyembre ang ika-39 na edisyon ng National Milo Marathon Finals na idinaos sa ikalawang pagkakataon sa Angeles City.

Kumpara noong 2015 kung saan nagsagawa ito ng kabuuang 18 karera sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao, mayroon lamang kabuuang 14 na karerang isasagawa ngayong 2016 na binubuo ng 13 elimination leg at national finals.

Unang sisikad ang 40th National Milo Marathon sa Dagupan (Hulyo 17), Tarlac (Hulyo 24), Metro Manila (Hulyo 31), Batangas (Agosto 7), Lucena (Agosto 14),Naga (Agosto 28),Tagbilaran (Setyembre 18), Cebu (Setyembre 25),Dumaguete (Oktubre 02),Davao (Oktubre 9), General Santos (Oktubre 16),Cagayan De Oro (Oktubre 23),Butuan(Oktubre 30) at National Finals (Disyembreb 4).

Ang 2016 MILO Summer Sports Clinics na nakatuon sa pagbibigay ng malusog na pagbabakasyon sa mga school children sa pagsali at pag-aaral ng iba’t-ibang mga laro ay magsisimula sa Abril 4 at matatapos sa Mayo 31.

Ang sports clinic program sa bansa na dinarayo kada bakasyon ay may tatlong bagong sports na triathlon, golf, at fencing na idinagdag sa listahan. Ang taunang programa ay kasalukuyang isinasagawa sa ilalim ng pagtuturo ng mga ekspertong coach mula sa 17 sports na badminton, basketball, bowling, fencing, golf, gymnastics, volleyball, karatedo, ice skating, tennis, taekwondo, table tennis, touch rugby, triathlon, chess, football at swimming.

Ang 2016 MILO Little Olympics na nakatuon sa pagtulong sa bansa sa pagdidiskubre ng susunod na henerasyon ng mga sports heroes sa pagdedebelop hindi lamang ng athletic skills kundi pati na sa mental discipline sa pagiging isang student-athletes ay binubuo ng 15 sporting events na athletics, badminton, basketball, chess, football, gymnastics, scrabble, sipa (sepak takraw), swimming, table tennis, taekwondo, tennis, volleyball at arnis. (ANGIE OREDO)