Isang lalaki ang nasawi habang dalawang katao naman, kabilang ang isang lola, ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa Tondo, Maynila, nitong Huwebes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang nakilala lamang sa alyas na Jonjon Comandante, na nasawi sa suffocation, habang ginagamot sa nasabi ring ospital sina Tristan Villajon, 25, binata, ng 999 Interior 2, Morong Street, Tondo; at isang Lydia Tantiera, 68, residente rin ng lugar.

Batay sa ulat ni SFO4 Jun-jun Jaligue, ng Manila Fire Department, dakong 7:30 ng gabi nang nagsimula ang sunog sa dalawang-palapag na bahay ni Lito Balmaceda sa 999 Interior 2 sa Morong Street.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na nagresulta sa pagkasunog ng tinatayang 15 bahay o katumbas ng 30 pamilya ang naapektuhan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Inaalam din ng mga imbestigador kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Dakong 9:25 ng gabi nang idineklarang under control ang sunog, na umabot sa ikaapat na alarma. (MARY ANN SANTIAGO)