Pinadapa ng College of St. Benilde ang thrice-to-beat San Sebastian College, 25-22, 25-23, 22-25, 25-22, noong Huwebes ng hapon upang makamit ang una nilang women’s volleyball championship sa liga sa ika-91 edisyon sa San Juan Arena.

Nilimitahan ng Lady Blazers ang league back-to-back MVP na si Grethcel Soltones sa 19 na puntos habang nagposte naman sina Janine Navarro at Ranya Musa ng 18 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod, upang makamit ang inaasam na titulo.

Ginawa naman ng nahirang na Finals MVP na si Jeanette Panaga ang kanyang trabaho sa depensa at nagtala ng series-high na 7 blocks na kabilang sa kanyang ipinosteng 16 na puntos upang pahirapan nang husto ang mas maliliit sa kanilang Lady Stags.

Ganap na sinelyuhan ng isang kill mula kay Musa na pamangkin ng dating miyembro ng St. Benilde men’s basketball squad na nagwagi ng nag-iisang titulo ng Blazers noong 2000 na si Mark Magsumbol ang nasabing panalo ng Lady Blazers, ang kanilang una magmula nang lumahok sila sa NCAA noong 1998.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It was unexpected but we kept the faith,” pahayag ni St. Benilde coach Michael Carino.

Pumasok na No.4 team sa semis, kinailangan ng Lady Blazers na dumaan sa dalawang playoff match kontra Univeristy of Perpetual Help at dating kampeong Arellano University para uambot ng finals kung saan kailangan naman nilang gapiin ng tatlong beses ang nag-sweep ng elimination round na Lady Stags.

“Our motivation entering the semis was to get back at all of them,” wika ni Carino.