Chad, Raymond, Marco, Roselle, at Gino copy

MAGSASAMA-SAMA ang walong OPM hitmakers sa unang pagkakaton sa concert na pinamagatang #LoveThrowback na gaganapin sa February 13, 8:30 PM sa PICC Plenary Hall. Tampok dito sina Rico Puno, Marco Sison, Gino Padilla, Raymond Lauchengco, Chad Borja, Wency Cornejo, Roselle Nava at Nina.

Muling mapapakinggan sa #LoveThrowback ang love songs na pinasikat ng mga nabangit na singers. Tinitiyak ng director ng concert na si Calvin Neria na bibiyahe pabalik sa magagandang nakaraan ang mga manonood sa mga musikang itatanghal at tiyak din na magbabalik-tanaw ang lahat sa makukulay na pag-ibig.

“Siguradong makaka-relate ang lahat sa mga song numbers sa show at maaaring mapabilang pa dito ang soundtrack ng iyong love story,” wika ni Direk Calvin.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Excited ang buong cast ng show sa naisip ng Royale Chimes Concerts & Events Inc., MKFAE Productuons at Echo Jham na pagsama-samahin sila sa isang Valentine concert. Halos apat na dekakda nga naman ng OPM ang sakop ng #LoveThrowback. Walang duda na mag-e-enjoy ang manonood nito.

Kabilang sa line-up of songs na aawitin sa concert ang Kapalaran ni Rico Puno, My Love Will See You Through by Marco Sison, Closer You & I ni Gino Padilla, So It’s You ni Raymond Lauchengco, Ikaw Lang ni Chad Borja, Hanggang ni Wency Cornejo, Bakit Nga Ba Mahal Kita ni Roselle Nava at Someday ni Nina.

Asahan nang nakaka senti-mode ang #LoveThrowback na siguradong maiibigan ng audience lalo na ng lovers dahil perfect show ito para sa mga magkasintahan o mag-asawa na nagkakilala noong mga panahong sumikat ang mga kantang nabangit.

Mamamayagpag sa concert na ito ang OPM hit songs, magagandang boses at mga kuwento ng ating buhay at pag-ibig. Ang #LoveThrowback ay concert para sa lahat.

Ang tickets nito ay available at SM Tickets, Ticketnet at Ticketworld.