SEOUL, South Korea (AP) - Sa unang pagkakataon, nagsama-sama kahapon ang mga education minister ng South Korea, Japan at China para sa three-way meeting sa Seoul.
Ang tatlong bansa ay madalas na nagtatalo-talo dahil sa magkakaibang pananaw sa mga makasaysayang detalye ng digmaan na inilalathala sa mga libro.
Hindi kasaysayan ang tinalakay sa pulong, at sa halip ay pinag-usapan ang mas madalas o regular na pagpupulong at pagpapalakas ng student exchange, ayon kay Yoo Jiwan, opisyal sa Education Ministry ng Seoul.