Cory Vidanes copy

PORMAL nang inihayag ng ABS-CBN Corporation ang pagtatalaga kay Cory Vidanes bilang chief operating officer (COO) of broadcast simula Pebrero 1, 2016.

 

Patuloy niyang pamumunuan ang mga programa, artista, events, at pinansiyal na kita ng Channel 2. Kasama ang Content Development Council na pinangungunahan ng chief content officer na si Charo Santos-Concio, pangangasiwaan din ni Cory ang pagbubuo ng mga bagong konsepto para sa Channel 2 at ABS-CBN TVplus channels na Yey, CineMo, at Knowledge Channel.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Napakahalaga ng naging papel ni Ms. Vidanes sa tagumpay ng Channel 2 bilang nangungunang TV network sa bansa. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nitong 2015 ay buong taong nanguna ang Channel 2 sa primetime sa pamamagitan ng mga de-kalibreng programa gaya ng The Voice Kids, FPJ’s Ang Probinsyano, Nathaniel, Pangako Sa ‘Yo, at Maalaala Mo Kaya.

 

Bahagi rin ng epektibong pamumuno ni Cory ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa publiko, lalo na sa mga panahon ng kalamidad. Siya ang nanguna sa paghahanda at pagsasagawa ng relief operations at donation drives ng network, kabilang na ang T-shirt fundraising and benefit concerts ng matagumpay na kampanyang “Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na” para sa mga biktima ng bagyong Yolanda noong 2013.

 

Dahil sa kanyang epektibong pamamahala at malaking kontribusyon sa mga tagumpay ng ABS-CBN, pinarangalan siya ng CEO Excel Award ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines noong 2014 at pinangalanang isa sa People of the Year ng People Asia magazine noong 2013.

 

Nagsimula ang karera niya sa telebisyon sa BBC-2 noong 1982. Pumasok naman siya sa ABS-CBN noong 1986 bilang associate producer bago naging executive producer, assistant production manager, production manager, production director, head of TV production, Channel 2 head, head of broadcast, at head of free TV.

Kumuha si Cory Vidanes ng Advanced Management Program sa Harvard Business School noong 2014 at nagtapos ng kursong Communication Arts sa Ateneo de Manila University.