Nakaramdam kahapon ng pagyanig sa Northern Luzon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa report ng Phivolcs, dakong 10:29 ng umaga nang maramdaman ang magnitude 5.0 na lindol, sa layong 86 kilometro, hilaga-silangan ng Claveria, Cagayan.
Naramdaman din ang Intensity 2 sa Laoag City, habang Intensity I naman sa Claveria.
Lumikha ito ng lalim na 89 na kilometro at tectonic ang pinagmulan. (Rommel P. Tabbad)