Sinabi ng Malacañang nitong Huwebes na ang Commission on Elections (Comelec) ang magpasya sa panukala ni Sen. Franklin Drilon na ipagpaliban ang ballot printing habang dinidinig pa ang disqualification cases ng ilang presidential aspirant. Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. na hihintayin ng Palasyo ang desisyon ng Comelec sa isyu.
“Ang Comelec ang siyang may mandato sa Saligang Batas na tiyakin ang pagdaraos ng maayos at kapani-paniwalang election,” sabi ni Coloma.
“Sa aming palagay ay ginagawa ng Comelec ang tungkuling ito at mainam na hintayin nalang natin ang magiging pagpapasya at pagkilos ng Comelec,” aniya.
Ang mga presidential candidate na sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay may nakabimbin disqualification cases sa Supreme Court. (Madel Sabater-Namit)