Matatanggap ng mga empleyado ng gobyerno sa Hunyo ang kanilang 14th month pay o katumbas ng isang buwang sahod sa ilalim ng Salary Standardization Law.

“This mid-year bonus becomes the 14th month pay. The traditional 13th month pay being the year-end bonus. In the past, the 13th month pay was given in ‘two gives.’ Half in May or June, so that government employees will have money for the school enrolment of their children, and the balance in December. The SSL IV makes what is given mid-year and year-end equivalent to a full month pay each,” paliwanag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Nilinaw ng senador na walang ipapataw na buwis sa dalawang bonus na pakikinabangan ng halos isang milyong kawani ng pamahalaan.

Mananatili rin ang P5,000 Christmas gift sa lahat ng kawani ng pamahalaan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Si Recto ang may-akda ng Republic Act No. 10653 na nagtaas sa halaga ng tax exempt ceiling mula P30,000 sa P82,000.

(Leonel Abasola)