PARIS (AFP) — Natagpuan sa libingan ng isang Chinese emperor na nabuhay mahigit 2,100 taon na ang nakalipas ang pinakamatandang bakas ng tea o tsaa, ayon sa mga mananaliksik.

Ang mga bakas ng halaman ay nahukay sa libingan ni Liu Qi, ang ikaapat na emperor ng Han dynasty na nabuhay mula 188 hanggang 141 BC, at ng kanyang asawa, sinabi ng isang grupo ng mananaliksik mula sa China at Britain sa pahayagang Scientific Reports.

Ang pinakamatandang kasulatan na nagbanggit sa tsaa ay mula sa 59 BC. At ang oldest physical remains na nadiskubre ay ilan daang taon na mas bata kaysa bagong tuklas – nagmula sa Song Dynasty (960-1,127 AD).

“Our study reveals that tea was drunk by Han Dynasty emperors as early as 2,100 years BP (before present),” sulat ng grupo.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture