Nakipagsabayan si Pinoy boxer Jhon Gemino kay dating IBF super flyweight champion Juan Carlos Sanchez ngunit kinapos pa rin at natalo sa puntos sa kanilang 10-round super bantamweight bout kamakailan sa Palenque Fex sa Mexicali, Baja California, Mexico.
Nagpakita ng gigil si Gemino sa kabuuan ng laban ngunit bigo pa rin siya para sa mga huradong Mexican na sina Ramon Uribe Lopez , 97-93; Jesus Martinez, 97-93; at Juan Quirante, 96-94 na pawang pumabor sa kanilang kababayang si Sanchez.
“In the televised opener, 25-year old former 115 lb. titlist and current junior featherweight battler Juan Carlos Sanchez (21-4-1, 9 KO), of Los Mochis, Sinaloa, Mexico, rebounded from a decision loss to Cesar Juarez with a unanimous decision in ten rounds over 23-year old Jhon Gemino (12-6-1, 5 KO), in Lipa City, Batangas, Philippines,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com.
“The fight wasn’t a thriller but Gemino made a good case with energy and aggression. It wasn’t enough against the taller, longer, and more experienced Sanchez,” dagdag sa ulat. “Sanchez got the fight by scores of 96-96 and 97-93 twice. The referee was Jacinto Arambula.”
Si Sanchez ang dapat kalaban ni IBF No. 3 at WBO No. 4 Albert Pagara sa “Pinoy Pride” card sa Cebu City sa Pebrero 29 pero biglang umatras nang makita ang rekord ng walang talong Pinoy boxer. (Gilbert Espeña)