ANG patas at pinakamahalagang desisyon ng Kongreso bilang pagkilala at pasasalamat sa tagumpay na naabot ni Pia Alonzo Wurtzbach para sa Pilipinas bilang Miss Universe 2015, ay ang tax exemption sa kanyang mga napanalunan.

Hindi masisisi ang Bureau of Internal Revenue sa pagiging mahigpit sa pagbubuwis sa mga kinikita ng mamamayang Pilipino. At ito ay mandato. Kung kaya’t kinakailangan magpatupad ang Kongreso ng batas kaugnay sa tax exemption ng mga Pilipinong nagwawagi at nagbibigay karangalan sa ating bansa.

****

Oras na para bigyang-aksiyon ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pasaway at abusadong public utility vehicle driver. Dapat suspendihin at tanggalan ng lisensiya ang mga driver na barumbado kung magmaneho at nasa impluwensiya ng bawal na gamot. Ganoon din ang LTFRB sa mga driver na opotunista.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Isa sa mga nakakairitang gawain ng mga driver ng jeep at bus ay ang maling pagpapasakay at pagpapababa ng mga pasahero kung saan nasasakop na nila ang buong kalsada maunahan lamang ang mga kapwa driver na makakuha ng maraming pasahero. Sa mga taxi driver naman, ang pangongontrata at labis na singil. May iba pang nakikipag-away at nananakit pa ng kanilang pasahero. Ang mga ganitong klase ng driver ay kinakailangang maalis sa kalsada.

****

Simula pa noon hanggang ngayon ay kapansin-pansin na ang pagiging maunlad at disiplinadong lalawigan ng Albay. Ang mga kaunlaran ng matatagumpay na proyekto ng Albay ay dahil sa pangangasiwa at buong suporta ni Albay Gov. Joey Salceda at tugon sa kanyang mga inisyatibo.

Nitong Enero, ipinatupad ng Alba yang local version ng Public-Private Partnership (PPP) code para sa malalaking infrastructure projects, at naging tagapagtupad ng Bottom-Up Budgeting (BuB) scheme. Isa itong revolutionary good governance strategy na kinapapalooban ng direktang paglilipat ng resources mula sa national government para sa iba’t ibang programa ng mga barangay.

Sa Pebrero, nakatakdang maging host ang Albay sa dalawang international sporting event—ang final leg ng four-lap Category 2.2 Race ng Le Tour de Filipinas 2016, at ang XTERRA Off Road Triathlon. (Johnny Dayang)