MARTIN, REGINE AT RYZZA MAE copy

MUKHANG napasama ang tweet ni Martin Nievera na, “loyalty means nothing maybe this time” na ang obvious na pinatutungkulan ay ang pagiging loyal niya sa ABS-CBN.

Loyal naman talaga si Martin sa Kapamilya Network. Matatandaan na nagsimula siya bilang main host ng ASAP noong 1995 pa kasama sina Dayanarra Torres, Pops Fernandez, Ariel Rivera at co-hosts naman ang mga sikat na artista ng pelikulang Pare Ko na sina Claudine Barretto, Victor Neri, Roselle Nava, Gio Alvarez, Jao Mapa, Nikka Valencia at Jolina Magdangal.

Hanggang sa pumasok na rin sina Piolo Pascual at si Charlene Gonzales nang umalis na si Dayanarra at naging regular na rin si Zsa Zsa Padilla.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Umalis si Martin noong 1998 kaya pinalitan siya ni Richard Gomez at pumasok na rin sina Vina Morales na lumipat galing SOP ng GMA-7.

Sa madaling sabi, main host si Martin ng ASAP simula 1995 hanggang 1998 at 2001 hanggang sa kasalukuyan kaya talagang may ‘K’ siyang magsabi ng, “loyalty means nothing maybe this time.”

Ang halos kasabayan ni Martin as main host ng ASAP ay si Piolo, magpareho sila ng record, 1996-1998 at 2001–present.

Pero sabi nga, nagbabago ang panahon at kapag laging adobo o sinigang ang ulam ay nakakasawa rin. Kaya siguro bumaba ang ratings ng ASAP ng ilang linggo dahil may gustong bagong putahe ang manonood na naibigay ng Sunday Pinasaya sa GMA-7.

Kaya siguro naisip ng mga taga-ASAP na mag-experiment at baguhin ang line-up ng main hosts nila na agad namang pumatok sa mga manonood, kaya nabawi na uli ng All-Star Sunday Afternoon Party ang korona nitong nakaraang Linggo (Enero 24).

Bagay na ikinapuputok ng butse ni Martin, kasi nga naman pioneer host siya ng ASAP ‘tapos biglang na-demote?

Heto na, Bossing DMB, dedma na sana kami sa isyung ito, pero may nagpadala sa amin ng litrato ni Martin na nag-guest pala siya sa GMA-7 kamakailan sa Ryza Mae Dizon Show.

May nagpadala rin ng picture sa amin na ka-duet ni Martin si Regine Velasquez na hindi na rin sana namin papansinin dahil baka sa ibang show sila nagsama, pero may nakalagay na GMA logo.

Ang ibig sabihin ng senders ng photo, paano nakakapag-claim si Martin na may loyalty siya sa Dos gayong tumatawid naman pala siya sa GMA-7?

E, teka, may exclusive contract ba si Martin sa Dos? Baka naman kasi hindi, e, di puwede naman talaga siyang mag-guest sa Siyete, di ba, Bossing DMB?

Pero ang sabi nga sa amin ng taga-ABS-CBN, masyadong sensitive ang management kapag napapanood nila ang artists nila sa network na direct competitor nila lalo na kung may existing show. So, walang problema kung walang show dahil may katwirang tumawid kasi kailangan ng trabaho at higit sa lahat, nagpapaalam daw.

Kaya ang tanong, nagpaalam kaya si Martin nang mag-guest siya kay Aleng Maliit? (REGGEE BONOAN)