Pagkakalooban ng espesyal na proteksiyon ang Philippine Eagle at Tamaraw, na itinuturing na endangered species sa bansa, sa ilalim ng House Bill 5311 na inakda ni Tarlac Rep. Susan Yap. Pinagtibay na ito ng Kamara at ipinadala sa Senado.

Sa ilalim ng panukalang batas, ililibre sa buwis ang mga donasyon, kontribusyon o grant para sa ‘Adopt-a-Wildlife Species Program’ sa layuning mapalawak ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ikinalungkot ni Yap na sa kabila ng mga pagsisikap para protektahan ang mga agila at tamaraw, patuloy na nauubos ang lahi ng mga ito dahil sa pamamaril o pangangaso. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji