Sumandig ang Colegio de San Lorenzo sa matikas nilang panimula upang maigupo ang St. Francis of Assissi College, 67-58, sa pagpapatuloy ng 8th Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) men’s basketball tournament sa Marikina Sports Complex.

Mula sa inilatag na 9-0 blast sa unang tatlong minuto ng laro, hindi na muli pang lumingon ang Griffins hanggang sa matapos ang laban para maiposte ang ikaanim na sunod nilang panalo.

Nagtala ng game-high 15 puntos si James Alvarado para pangunahan ang Griffins na nangangailangan na lamang ng isang panalo para mawalis ang one-round elimination at makamit ang asam na outright semifinals slot na may kaakibat na twice-to-beat incentive.

Tinapos ng Griffins sa pangunguna nina Tristan Laman at Yves Nicolas ang first quarter na may 22-11 kalamangan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Now we are assured of a twice-to-beat advantage, it’s the reason why we wanted to win in this game,” ani Griffins Coach Bonnie Garcia.