_87928496_7040cbb2-c8b9-4ba9-a85b-efd1b11ab104 copy

May kanya-kanyang pananaw ang mga mananakbo kung ano ang mas epektibo at mas madali: ang pagtakbo sa labas o mag-treadmill? Ipinahayag ni Michael Mosley ang kanyang option.

Sa mga taong naging postibo sa paggawa ng kanilang New Year’s resolution na dalasan ang exercise, pagtakbo ang pinakamadalas na option. Ngunit mas maganda bang tumakbo sa labas ng bahay, sa mahangin at maulan, o manatili na lamang sa sariling gym o sa tahanan at mag-treadmill, at panoorin ang sarili sa isang malaking salamin habang unti-unting pinagpapawisan?

Hindi ito gaanong pinag-isipan ni Mosley, maaaring dahil hindi lamang siya ganoon kahilig tumakbo, ngunit ito ay isa sa mga topic na nagiging dahilan ng pagkakanya-kanya ng mga mananakbo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Energy

Una, ano ang mas epektibo sa pagbabawas ng timbang? Ang outdoor running enthusiasts ay nagsasabing mas marami ang energy na kanilang nagagamit. At ang pangunahing dahilan ay ang hangin na kailangang salungatin kapag tumatakbo, at ito ay hindi mararanasan sa gym o sa loob ng bahay. Ngunit para sa mga taong namamalagi sa gym at sa treadmill tumatakbo, hindi ito totoo.

Speed

Masarap sa pakiramdam kapag tumatakbo sa treadmill at nalalaman kaagad kung gaano na kalayo na ang natatakbo. Sa isang pag-aaral na isinagawa sa Singapore, naikumpara ng mga tumatakbo sa labas na mas mabagal ang pagtakbo nila treadmill bagamat inaakala nila na mas mabilis ang kanilang pagtakbo.

“The unmatched perception of speed is likely due to the distortion of normal visual inputs resulting from the discrepancy between observed and expected optic flow.”

Safety

Kung mas nakalalamang ang outdoors sa indoors pagdating sa work rate, ano naman ang mas ligtas gawin? Sa gym o sa bahay, siyempre, mas ligtas ang runners sa pagbagsak ng mga sanga, makatapak ng dumi ng aso at iba pa.

Well-being

Obvious naman na mas malapit sa kalikasan ang mga tumatakbo sa labas kumpara sa isang lugar na limitado ang ginagalawan.

Conclusion

Ang pagtakbo sa labas ay mas maraming pakinabang. Bagamat ipinapayo sa mga baguhan na piliin na lamang ang mas kasiya-siya para sa kanila at umiba na lamang kung saan mas komportable kalaunan. (BBC News)