Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ipinoproseso pa ang pabuya kapalit ng pagkakadakip sa Malaysian bomb expert na si Zulkifli bin Hir, alyas “Marwan”. Nabatid na si Marwan ay may monetary reward mula sa gobyerno ng Pilipinas at ng Amerika.

Iniulat na nasa $5 million ang pabuya sa pagkakaaresto o pagkakaligpit kay Marwan na inialok ng gobyerno ng Amerika, habang P7 milyon naman ang mula sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sinabi ni Chief Supt. Fernando Mendez, hepe ng PNP Intelligence Group, na napag-alamang ang naturang reward money ay mapupunta sa inpormante na nagturo sa kinaroroonan ni Marwan.

Sa panayam, sinabi ni Mendez na mahigpit ang proseso sa pagbibigay ng pabuya dahil maraming requirement na dapat kumpletuhin ng mga claimant.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinumpirma ng opisyal na sa kasalukuyan, hindi pa naibibigay ang reward money.

Samantala, tinanggap na rin ni PNP chief Police Director General Ricardo Marquez ang Plaque of Appreciation para sa PNP Special Action Force na pinirmahan ni Federal Bureau of Investigation (FBI) Director James Comey.

Base sa report, napatunayan ng FBI na ang DNA sample na nakuha mula sa daliri ni Marwan ay tumugma sa kapatid nito na nakapiit sa Amerika. (Jun Fabon)