TACLOBAN CITY, Leyte – Apatnapung pamilya na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ noong 2013 ang sinampahan ng pamahalaang lungsod ng Tacloban ng kasong kriminal sa City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa ordinansa ng siyudad.

Sinabi ni Dionesio Balame, Jr., pangulo ng Yolanda Survivors Community Association, na 40 sa kanyang miyembro ang nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal na inihain ng pamahalaang lungsod, sa ilalim ni Mayor Alfred S.Romualdez, sa tanggapan ni Office of the City Engineer Dionesio O. De Paz.

Ayon kay Balame, kinasuhan ng paglabag sa City Ordinance No.98-08, o ilegal na paggamit ng bangketa, ang 40 sa kanyang mga miyembro, na pawang residente ng Jones Street sa Barangay 2, Tacloban City.

Aniya, nag-ugat ang kaso sa muling pagpapatayo nila sa kanilang mga bahay na sinira ng bagyo noong Nobyembre 8, 2013, at nag-apply sila sa isang lokal na electric cooperative para muling makabitan ng kuryente, ngunit tinanggihan sila ni De Paz.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinagtawanan naman ni Balame ang kaso dahil ang kanilang mga bahay ay nakatirik sa lote na dating pag-aari ng gobyerno ng Amerika at hindi ng pamahalaang lungsod, bukod pa sa hindi bangketa ang lote. (Nestor L. Abrematea)