Muling inamin ni Gen. Getulio Napeñas na sadya nilang inilihim ang Oplan Exodus kay dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, kaya lumitaw na walang pananagutan ang huli sa madugong engkuwentro na ikinamatay ng 44 na police commando.

“Sec. Roxas was not included,” sabi ni Napeñas.

Nilinaw rin nito na sa Oplan Wolverine na-brief si Roxas at hindi sa Oplan Exodus na binuo para matugis ang mga teroristang sina Zulkifli bin Hir, alyas “Marwan”; at Basit Usman.

Dumating si Roxas kasama ang iba pang ipinatawag sa Senado. Ilang beses nang sinabi ni Roxas na handa siyang humarap sa kahit saang lugar upang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang partisipasyon sa operasyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naging malinaw din sa testimonya ng mga sumipot na heneral at miyembro ng pulisya na hindi kumpleto ang impormasyon na ibinibigay sa kanila ni Napeñas noong araw ng operasyon.

Inamin rin ni Napeñas na hindi niya ibinigay ang buong katotohanan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang opisyal ng gobyerno na dapat ay nasabihan tungkol sa operasyong inilunsad ng PNP-SAF.

(Leonel Abasola at Beth Camia)