Lumobo ang bilang ng mga Pinoy na naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa last quarter survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa survey na isinagawa noong Disyembre 5-8, lumitaw na 45 porsiyento mula sa 1,200 respondent ang nagsabing “optimistic” sila na aangat ang kalidad ng kanilang buhay, habang limang porsiyento ang nagsabing sila ay “pessimistic” o lalong lulubog sa kahirapan sa susunod na 12 buwan.

Nalagpasan ng resulta ng huling survey ng SWS na dating record high na +37 ang naitala noong Marso 2015.

Tinukoy ng SWS ang pagtaas sa net personal optimisim sa +40 sa malaking paglobo sa personal optimism sa natitirang bahagi ng Luzon (mula +33 sa +42), Visayas (mula +25 sa +32), Mindanao (mula +34 sa 41), at Metro Manila (mula +40 sa +43).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa kahalintulad na survey period, lumitaw na 39 na porsiyento ng mga respondent ay “optimistic,” habang 20 porsiyento ay “pessimistic” na ang ekonomiya ng Pilipinas ay bubuti sa susunod na 12 buwan.

Dahil dito, nagtala ng net economic optimism ng +30. Sinabi ng SWS na ito ay mas mataas sa +18 na naitala noong Setyembre 2015 subalit mas mababa sa record high +39 noong Hunyo 2010. (Ellalyn B. de Vera)