HALOS ilang taon pa lamang ang nakalilipas, ayon sa National Census and Statistics Office, ang populasyon ng ating kakapurit na bansa ay 100 milyon na. Nakakalula. Kamakailan ay mas tumaas pa ito. Aabot na umano ang ating populasyon sa 104 MILYON.

Sa liit ng ating minamahal na bansa ay malapit na tayong umabot sa 104 milyong populasyon? Hala! At hindi manlang yata nababahala ang kasalukuyang administrasyon at ang mga opisyal.

Hindi ba’t ang kakambal na problema ng over-population ay kagutuman, kawalan ng trabaho, problema sa kalusugan, tirahan at edukasyon?

Kung patuloy sa paglobo ang ating populasyon, asahan na natin ang mga susunod. Kakapusan sa pagkain o sa kakainin dahil hindi sasapat ang mga aanihin ng ating mga magsasaka dahil sa dami ng magsisikain. Kakapusin sa mga masasaka o taniman dahil tiyak na karamihan sa mga bukirin ay magiging pamayanan na rin. Kakapusan sa mapapasukang trabaho sapagkat dumarami ang tao ngunit hindi nadaragdagan ang oportunidad. At problema rin sa kalusugan sapagkat ang labis na populasyon ay nanganganak ng kung anu-anong kakambal na sakit. Problema sa edukasyon sapagkat kapag tumambak ang magsisipag-aral, kailangan din natin ng maraming guro, school building, desk, mga libro at iba pa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa ating bansa, sapagkat tayo ay isang bansang Katoliko, bawal ang pagkitil sa buhay ng mga sanggol maging ang pasibol pa lamang sa sinapupunan. Pro-life ang tawag ng mga “mababait” na Pinoy. Anumang plano at programa para makontrol man lamang ang pagdami ng populasyon ay nabibigo dahil dito. Laging isinasali ang Diyos sa problemang ito.

Sa China ay maagang napag-aralan at napaghandaan ang problemang ito. Nang mapansin nila ang mabilis na pagdami ng kanilang populasyon ay nagsabatas sila na bawal ang magkaanak ng DALAWA at hanggang ISA lang maaari. Kaya mula sa pagiging mahirap bansa, isa na ngayon ang China sa mga bansang maunlad ang ekonomiya. Matatag ang kanilang kabuhayan. Ngayon, sapagkat kumokonti naman at tantiyang kukulangin ang kanilang labor force sa susunod ng mga taon, ang dating batas na ISA lamang ang maaring maging anak ay ginawang hanggang DALAWA.

Ang China ay magaling sa pagpaplano at malayo ang pananaw. Ang mga Pinoy ay sanay lamang na tumanghod at maghintay sa magaganap. (ROD SALANDANAN)