ANG pambansang paggunita sa National Bible Week ay nagsimula noong 1982 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Presidential Proclamation No. 2242. “It is fitting and proper that national attention be focused on the important role being played by reading and study of the Bible in molding the moral fiber of our society,” aniya.

Sa kanyang orihinal na direktiba, ipinag-utos ni Pangulong Marcos na ang unang Linggo ng Adbiyento at ang huling linggo ng Nobyembre ng bawat taon ay ipagdiwang bilang National Bible Sunday at National Bible Week, ayon sa pagkakasunod. Ipinatupad ng Proclamation No. 44 na ipinalabas ni Pangulong Corazon C. Aquino noong 1986 ang naunang mandato. Ang pagdiriwang ng National Bible Week ay inilipat sa unang buwan ng taon. Hinimok ni Pangulong Fidel V. Ramos, sa Presidential Proclamation 1067, na ang “national attention be focused in the importance of reading and studying the Bible in molding the spiritual, moral, and social fiber of our citizenry.” Simula noon, iba’t ibang aktibidad na inorganisa ng iba’t ibang simbahan at grupong Kristiyano ang idinaos para sa taunang selebrasyon ng National Bible Week.

Ngayong taon, ang tema ay: “God’s Word: Hope for the Family and Strength of the Nation”. Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy at padasal na pagbabasa ng Bibliya, tunay na pinagpala ng Panginoon ang ating bansa sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal at mga biyaya.

Ang pagdiriwang natin ng National Bible Week ngayong taon ay akma rin sa konteksto ng Jubilee Year of Mercy ng Simbahang Katoliko. Sa mga salita ng Diyos, nakilala natin ang Diyos ng Awa batay sa mga turo, aral at pamumuhay ni Hesus, na ayon kay Pope Francis, ay ang “face of the merciful Father.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nawa’y ang ating tuluy-tuloy na pagbabasa, pagninilay-nilay, at pananalangin sa tulong ng Bibliya ay makatulong upang tayo ay maging mga maawaing anak ng Diyos. Maging makabuluhan nawa ang pagdiriwang natin ng National Bible Week.