Sinibak sa tungkulin ng Office of the Ombudsman ang alkalde ng bayan ng Cortes, Bohol na si Apolinaria Balistoy dahil sa pamemeke ng mga resibo at certificate para makakuha ng reimbursement.

Bukod sa pagtanggal sa serbisyo, hindi na rin pinayagan ng batas na makapuwesto sa pamahalaan si Balistoy at kinansela ang kanyang eligibility at retirement benefits.

Inutusan din siya ng Ombudsman na magbayad ng multang katumbas ng kanyang isang taong sahod.

Si Balistoy ay napatunayang nagkasala sa kasong Serious Dishonesty, Grave Misconduct at Falsification of Official Document sa paggamit ng mga pekeng resibo at certificates of attendance sa apat na training modules mula Mayo hanggang Oktubre 2010 para makakuha ng reimbursements sa kanyang travel at training expenses na may kabuuang P155,789.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Napatunayan din na hindi naman sa Metro Manila dumalo ng mga pagsasanay si Balistoy kundi sa Bohol lamang.

(JUN FABON)