LOS ANGELES (AP) — Isang babae at kanyang anak na lalaki sa Southern California ang kinasuhan ng pagpupuslit ng arsenal ng mga bala at bahagi ng armas papasok sa Pilipinas.

Sinabi ng federal prosecutors na ang 60-anyos na si Marilou Mendoza ng Long Beach, California, at ang kanyang anak ay idinemanda noong nakaraang buwan. Inaresto si Marilou nitong nakaraang linggo sa Los Angeles International Airport sa kanyang pagbabalik mula sa pagbisita sa kanyang bayan sa Pilipinas.

Sumumpa siyang “not guilty” nitong nakaraang linggo at nakalalaya habang hinihintay ang paglilitis.

Ang kanyang 30-anyos na anak na si Mark Mendoza, ay pugante at pinaniniwalaang nagtatago sa Pilipinas.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon sa prosecutors, si Mark ay nagpapatakbo ng negosyo na tinatawag na Last Resort Armaments.

Sinabi ng mga awtoridad na noong 2011, tinangka ng mag-ina na magpuslit ng daan-daang libong ammunition rounds at mga bahagi ng assault rifles papasok sa Pilipinas, nilagyan ng etiketa ang mga shipment bilang mga gamit pambahay.

Naharang sila ng mga awtoridad ng U.S. at Pilipinas.