SA seryeng Nathaniel, sopistikadang abogado ang role ni Isabelle Daza, malayung-malayo sa pino-portray niyang probinsiyana sa bagong seryeng Tubig at Langis. Ayon kay Isabelle, hindi man siya laking-probinsiya, sa tulong ng workshop, napag-aralan niya kung paano gumanap bilang country girl.

“To prepare, nag-workshop ako ‘tapos tinulungan din ako ni Direk na umasta na taga-probinsya ‘tapos mahirap din kasi my personality is really strong and si Clara ay napakahinhin, so laging nag-aaway ‘yung character kong si Clara ‘pag may eksena kami. Gina-guide naman kami ng mga co-actors ko and of course the directors. Parang mga simpleng duster ‘yung mga outfit ko dito, mga camison, ganu’n,” kuwento ni Isabelle.

Kasama ni Isabelle ang kontrobersiyal actor na si Zanjoe Marudo, kaya naitanong sa kanya ang masasabi niya sa naging hiwalayan ng aktor at ni Bea Alonzo. Nararamdaman din ba niya as Zanjoe’s leading lady ang pressure sa set?

“Hindi ko tinatanong, actually. Wala akong alam. Because it’s very unprofessional naman on the set and ayoko naman mag-ask ng mga question. Hindi nga siya ganu’n, eh. Laging tawa nang tawa ‘yun, sila Archie (Alemania) at si Z. I know Bea naman and she’s very kind to me and I know also Z, so ‘yun lang naman ‘yun. I have no idea. I only knew about their breakup,” sey ni Isabelle.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dahil pag-ibig ang tema ng Tubig at Langis, may sarili siyang pananaw tungkol sa love.

“Of course. I think love is what brings happiness and meaning into our lives and lahat naman tayo ipapaglaban natin ‘yun. But I also think you can slowly learn to love a person and I believe you can slowly fall out of love with a person. Siyempre when you get to know them siyempre hindi mo pa sila kilala and then biglang, ‘Ay mabait pala siya.’

And then you fall in love with him. It can also happen the other way around. ‘Pag magkasama kayo lagi ‘tapos hindi mo bet so you slowly fall out of love with that person. I think kailangan matuto ka for yourself kasi kahit ano namang sabihin ng parents mo, if you want it puwede ring itago, gano’n,” sabay tawa.

May foreigner boyfriend si Isabelle at aniya’y handa na siyang makipag-commit sa darating na panahon.

“Well I’m forcing him to get engaged na. I’m kidding. That’s what I keep telling them. So hopefully this year it will happen. Both or ang engagement, di ba?” pagtatapos ng magandang aktres. (ADOR SALUTA)