Iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV na agad nilang ikakasa ang “impeachment case” laban kayVice President Jejomar Binay sakaling manalo ito bilang susunod na pangulo, sa halalan sa Mayo 9.
Sinabi ni Trillanes na bukod sa kasong plunder, irerekomenda rin ng Senate Blue Ribbon sub-committee ang paghahain ng tax evasion case laban kay Binay kaugnay ng umano’y mga maanomalyang transaksiyon na kinasangkutan nito noong ito pa ang alkalde ng Makati City.
“Every single act constitutes either a graft charge or a plunder charge or other violations of the Revised Penal Code. So kapag ma-elect siya—and I hope God won’t give us such punishment—the government will be unstable dahil itong lahat ng mga nangyayaring ito can be used as a basis for impeachment proceedings (laban kay Binay),” ayon kay Trillanes.
Ipinaliwanag pa ng senador na ang mga sinasabing katiwalian ay nangyari noong hindi pa nahahalal na pangulo ng bansa si Binay kaya hindi pa ito saklaw ng “immunity from suit.” (Leonel Abasola)