BERLIN (AFP) — Binuksan ni Chancellor Angela Merkel noong Lunes ang isang malaking exhibition ng mga obra ng mga preso sa Jewish concentration camp.

Pinagsama-sama ng show, “Art from the Holocaust”, ang 100 obra na ipinahiram ng Yad Vashem memorial ng Israel ng 50 artists na palihim na nilikha mula 1939 hanggang 1945 habang sila ay nakakulong sa mga kampo. Dalawampu’t apat sa mga artist ang namatay sa panahon ng Nazi.

Ang mga drawing at painting na naka-display sa German Historical Museum ng Berlin ay nagpakita ng mga paghihirap, mabibigat na trabaho at hilakbot na dinanas ng mga nakakulong.

Tatakbo ang exhibition hanggang sa Abril 3.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'