Inihayag ni Mayor Joseph “Erap” Estrada ang mga plano na dumulog sa korte upang igiit ang karapatan ng Manila City government sa Metropolitan Theater (MET), sinabing naglaan na siya ng P200 milyong pondo para agad masimulan ang pagkukumpuni at pagbabalik sa operasyon ng ‘Grand Old Dame of Philippine Theater.’

“Ever since I assumed the mayoralty, I have wanted to retrieve the Metropolitan Theater for the citizens of Manila.

The real owner of that property is the Manila City Hall. As soon as we can put back this theater into operation again, it will benefit the citizens who will be exposed to culture and arts,” sabi ng Alkalde.

Ang MET, itinayo noong 1931, ay matatagpuan sa Mehan Garden (Sining Kayumanggi) sa Padre Burgos Avenue corner Arroceros Street. Ang disenyong Art Deco nito ay gawa ng National Artist for Architecture na si Juan Arellano.

Tsika at Intriga

Angeline, si 'Mariah Carey' ang peg pero mas kalokalike daw ni Madam Inutz

Habang ang mga mural sa pader nito ay gawa ng National Artist na si Fernando Amorsolo.

Ginawa itong collateral para sa isang utang sa Government Service Insurance System, ngunit dahil hindi nabayaran ang mga pondo, ang MET ay naging pag-aari ng GSIS. (PNA)