MH Eugene Domingo 002 copy copy

SA balitang magkakaroon ng bagong show si Eugene Domingo sa GMA-7, marami ang nagtatanong kung ibig raw bang sabihin ay mawawala na ang comedy game show niyang Celebrity Bluff na nasa 12th season na at napapanood tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Magpakailanman.

Wala pang sagot ang GMA-7 nang i-forward namin sa kanila ang katanungang ito, pero ayon sa kausap namin, looking forward na raw si Uge at excited na sa pagsisimula ng bago niyang show, a drama anthology titled Dear Uge na magsisimula sa February 14, Valentine’s Day.

“Si Uge ang host ng show na magpapakita ng iba’t ibang love stories na gagampanan ng guest stars na gaganap sa kakaibang roles, na nakatatawa ang kanilang characters. Being a comedienne, gustung-gusto ito ni Uge, na natanong tuloy siya kung ipakikita ba niya ang kanyang sariling love story, at kung siya ba ang gaganap.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Single pa rin kasi hanggang sa ngayon ang mahusay na actress/comedienne/TVhost kaya madalas siyang biruin kung kalian siya magkakaroon ng boyfriend at magpapakasal. 

Itinatanong din kay Uge kung ayaw na ba talaga niyang gumawa ng movies. Matagal-tagal na rin ang huli niyang pelikulang The Barber’s Tale na nagbigay sa kanya ng awards sa international film festivals at dito rin sa bansa.

Sabado napapanood ang Celebrity Bluff kaya puwede naman sigurong hindi na mawala ito dahil Linggo naman ang Dear Uge at dalawang beses lamang naman siya mapapanood every week. (NORA CALDERON)