NEW YORK (AFP) — Nawawala na ang “wow” factor ng Apple.

Bumaba ang shares ng California tech giant ng 6.5 porsiyento para magtapos sa $93.80 sa pagharap ng investors sa mga balita ng humihinang sales growth ng iPhone.

Ginawang malinaw ng Apple ang pinangangambahang pagwawakas ng technological era matapos iulat noong Martes ang pinakamababang growth sales sa market-leading, life-changing na iPhone nito at nagbabala ng mas malala pang darating.

Maraming analyst ang nagsasabing nagbabago na ang Apple mula sa pagiging device-making superstar patungo sa isang kumpanya na kumikita sa pagbebenta ng apps, digital music at higit pa sa mga gumagamit ng mga device nito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina