Patay ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng bank robbery gang habang isang pulis ang nasugatan matapos na pasukin ng anim na lalaki ang isang bangko sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.
Sinabi ni Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng CALABARZON Regional Police Office, na inaalam pa nila ang halaga ng natangay ng apat na nakatakas na suspek.
Aniya, pinasok ng anim na armadong lalaki ang Philippine National Bank (PNB) Branch sa Sta. Cruz dakong 10:00 ng umaga.
Agad na rumesponde ang pulisya sa lugar at nauwi sa bakbakan ang dalawang grupo.
Inihayag ni Gaoiran na agad na naglatag ng checkpoint ang pulisya matapos ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang armadong lalaki sa Barangay Talangan, dakong 10:27 ng umaga.
Ang dalawa ay nakilalang sina Pablo Javier, ng Quezon City; at Gerald Mendoza, ng Cagayan de Oro City.
Nabawi kina Javier at Mendoza ang isang M-16 rifle, dalawang .45 caliber pistol, mga bala, at ilang sachet ng shabu.
At nang halughugin ng awtoridad ang sasakyan ng dalawa, nadiskubre ang isang itim na shoulder bag na naglalaman ng P356,632 tseke na nagkakahalaga ng P116,548, at $200. (Aaron Recuenco)