Nasawi ang isang 14-anyos na lalaking out-of-school dahil sa mga tadyak at suntok na tinamo niya mula sa lalaking hinamon niya ng away sa Tondo, Maynila, nabatid kahapon.

Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Jofrey dela Cruz, ng 1949 Daang-Bakal Street, sa Tayuman, Tondo, Manila dakong 12:00 ng madaling araw kahapon.

Inaalam pa naman ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nangyari ang insidente noon pang Enero 21 sa Dagupan Street, Tondo.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa hindi umano malamang dahilan ay naghanap ng away ang biktima at hinamon ang suspek, na nairita kaya pinatulan siya; pinagsusuntok siya at pinagtatadyakan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Enero 24 naman nang makaramdam ng pagkahilo ang biktima kaya isinugod siya sa Gat Andres Memorial Medical Center, ngunit kalaunan ay inilipat sa JRMMC pero lumala ang kondisyon nito hanggang tuluyang namatay. (Mary Ann Santiago)