Iginiit ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na tinapos ng Senate Blue Ribbon Committee ang ika-25 imbestigasyon sa umano’y korapsiyon na kanyang kinasangkutan noong alkalde pa siya ng Makati na walang kinahinatnan.

“The sub-committee’s so-called final hearing highlighted the obvious. After 25 hearings, no credible and admissible evidence has been presented to support the outrageous allegations against the Vice President. The hearings were just a waste of time and resources of the Senate,” pahayag ni Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay sa usaping pulitikal.

Sinabi ni Quicho na malinaw na walang na nalalaman sina dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado at Renato Bondal sa mga alegasyon na ipinupukol sa pamilya Binay hinggil sa sinasabing maanomalyang transaksiyon sa Makati.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“Mr. Bondal based his testimonies from newspaper clippings from a biased newspaper. Mr. Mercado, meanwhile, merely repeated the lies that have been peddling since the hearing started last year. He even maintained the lie that there are ghost employees at Makati City Hall even if the head of human resources appointed by the acting mayor of Makati has testified before the Makati city council that Makati has no ghost employees,” aniya. (Anna Liza Villas-Alavaren)