NAGSAMPA si Sofia Vergara ng $15 million lawsuit laban sa Venus Concept, ulat ng Us Weekly. Ang Modern Family actress ay nagsampa ng legal ng aksiyon laban sa nasabing beauty company sa paggamit umano ng kanyang pangalan sa advertising materials na hindi hiningi ang kanyang permiso.

Si Vergara, 43, ay unang naiugnay sa Venus Concept beauty company bago ganapin ang 66th Primetime Emmy Awards noong Agosto 2014. Ginamit ng Colombian star ang Venus Legacy machine bilang paghahanda sa red carpet, at nag-post ng WhoSay photo habang isinasagawa ang treatment.

Sa kanyang selfie, si Vergara ay nakadapa habang may ginagawa ang isang babae sa kanyang likod. May caption ito na: “What is so funny Marilyn??”at idinugtong ang: “Legacy massage at @drlancerrx.”

Base sa mga dokumento, ginamit ng nasabing kumpanya ang mga blown-up photo ni Vergara at ang kanyang pangalan upang i-promote ang kanilang mga produkto at exhibition booths, trade shows at maging sa Internet.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Si Vergara — na naging endorder na ng Cover Girl, Head & Shoulders at Rooms 2 Go — ay mahigit isang taon nang nakikipaglaban na sa Venus Concept. 

“Sofía personally prides herself on believing in what she sells and she talks about it genuinely,” sabi ng source sa Us. “For someone to just slap her face and image on something that she doesn’t even like, she just feels like she’s cheating her fans.” (US Weekly)