BAGUIO CITY - Isang pasyente na hinihinalang problemado sa kanyang sakit, ang winakasan ang sariling buhay matapos tumalon mula sa ikalimang palapag ng Baguio General Hospital and Medical Center, samantalang isang helper naman ang nagbigti sa may Barangay Loakan sa siyudad na ito.

Kinilala ni Senior Supt. George Daskeo, officer-in-charge ng Baguio City Police Office (BCPO), ang biktima na si Eric Punla Muñoz, 37, transient agent, ng Bgy. Salud Mitra, Baguio City.

Sa imbestigasyon, umaga ng Enero 23 nang na-admit sa ospital ang biktima dahil sa pneumonia at pagsapit ng tanghali ay inutusan niya ang mga nagbabantay sa kanya na sina Edison Punla, 38; at Marlon Panelo, na lumabas at bumili ng pagkain.

Gayunman, pagkaalis ng dalawa ay nakita ng naka-duty na nurse si Muñoz na lumabas ng kuwarto, nagtungo sa lobby malapit sa veranda at tumalon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, iniulat naman nitong Lunes ang pagpapatiwakal ng isang helper sa may 279 Wood Lane Loakan-Liwanag, Baguio City, na kinilalang si Herson Basco Garcia, tubong Camarines Sur at helper sa nasabing lugar.

Ayon sa police report, dakong 9:00 ng umaga nang matagpuan si Garcia na nakabigti ng sintas ng sapatos sa pinagtatrabahuhan nito. (Rizaldy Comanda)