Inilarawan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino bilang isang sundalo na may integridad at matibay na paninindigan.
“From the military side, his service reputation is very credible, his work ethic based on whom he has worked with is unquestionable, as well as, his dedication to duty,†ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP.
Naaresto si Marcelino ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang umano’y shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila, at doon nasamsam ng awtoridad ang milyun-milyong pisong halaga ng ilegal na droga nitong Enero 14.
“We cannot judge as of this time,†ayon kay Padilla, “There are many operations occurring that have deeper origins and basis so in our case, we leave it to the investigating authorities to determine that.â€
Naniniwala si Padilla na hindi magtatagal at lalabas din ang katotohanan hinggil sa reputasyon ni Marcelino kasabay ng panawagan sa publiko na huwag agad husgahan ang opisyal.
Sa ngayon, sinabi ni Padilla na hindi pa rin humihiling ng legal assistance ang Marine officer mula sa AFP.
Iginiit ni Navy Spokesman Col. Edgard Arevalo na base sa official policy ng hukbo, tanging ang kanilang mga tauhan na nagkaaberya habang nagpapatupad ng tungkulin ang maaaring pagkalooban ng Legal Assistance Attorney (LAA).
(Elena Aben)