LUIS, SARAH, TONI AT PIOLO copy

PINADALHAN kami ng television viewership ratings last Sunday at nakitang panalo ang 14.6% ng ASAP 20 laban sa 13.7% ng Sunday Pinasaya.

Nasilip namin ang ASAP 20 nitong nakaraang Linggo, may bagong segments at binago ang line-up ng main hosts – dahil sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Sarah Geronimo at Luis Manzano na ang nakita namin samantalang sina Gary Valenciano at Martin Nievera ay tila isang beses na lang naming napanood sa isang matinding production number.

So, kaya ba muli nilang nabawi ang korona dahil hindi na sina Gary V, Martin at Zsa Zsa Padilla ang main hosts?

Human-Interest

'National Rally for Peace,' extra income para sa ilang street vendors sa Maynila

Saka lang namin naintindihan ang mga tweet ni Martin na nai-forward sa amin ng fans.

“Loyalty means nothing maybe it’s time,” tweet ni Martin.

Ano ‘yun?

“Just in case, anyone is wondering, I too will be on asap. Sad no,” karugtong pa ng tweet ni Martin.

May isyu palang nangyayari sa ASAP 20?

Nagtanung-tanong kami sa mga taga-ASAP pero hindi kami sinasagot at maski tawag ay dedma.

Mabuti na lang, may nakausap kaming ABS-CBN executive.

“Wala namang isyu, baka nagtaka lang si Martin na hindi sila ni Gary ang inilagay as main host last Sunday,” sabi sa amin. “Sinubukan lang sa opening kung okay pagsamahin sina PJ, Toni, Luis at Sarah, eh, nag-click naman base sa ratings, so mukhang gusto ng viewers.

“At sa pagkakaalam ko rin, wala namang isyu kina Martin at Gary. Alam ko tanggap naman nila ang pagbabago ng line-up ng hosts. Let’s give chance to others kasi for how many years na rin namang naging main hosts sina Martin at Gary, di ba?” esplika sa amin.

Oo nga naman. Ano naman ang dating ng pagbabago kay Zsa Zsa?

“Naku, Zsa Zsa is so cool naman, walang isyu rin. Actually, walang isyu at all.”

E, bakit may himig ng paghihimutok si Martin sa tweets niya tungkol sa loyalty?

Base sa pagkakaintindi namin, hindi man kasing galing nina Gary V at Martin bilang hosts sina Piolo at Sarah, marami naman silang fans na talagang suportado sila.

Pero mas magaling talagang hosts sina Toni at Luis dahil kahit walang cue cards ay kayang-kaya nilang magdala ng show. Sa katunayan, mas marami pa silang adlib na gustung-gusto ng audience.

Sa madaling salita, bagong bihis na ang ASAP 20?

Ano na kung ganoon ang mangyayari sa senior hosts ng ASAP 20, bibigyan sila ng bagong segment o sa production number na lang sila mapapanood? (REGGEE BONOAN)