Naiiyak ang 90-anyos na si Hilaria Bustamante habang pinagmamasdan ang pader na nakadikit ang mga litrato ng mga namayapang sex slave katulad niya, nangangakong hihilingin ang hustisya sa pagbibisita ng Japanese emperor sa bansa.

Sa kabila ng kanyang sa arthritis, sinabi ng pinakamatandang Filipina “comfort woman” na sasali siya sa mga protesta sa daan upang ipagpatuloy ang bigong kampanya na tumagal na ng mahigit 70 taon.

“Many of us have died without seeing justice, but we will fight until our last breath,” sabi ni Bustamante sa AFP, sa isang shelter sa Manila para sa matatanda, na pinatatakbo ng advocacy group na Lila Pilipina.

“We want to tell Emperor Akihito: pay your debts. We are holding you accountable for the sufferings of the comfort women during the war.”

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Umaabot sa 200,000 kababaihan sa Asia, karamihan ay mga South Korean ngunit nagmula rin sa China, Pilipinas at Indonesia, ang tinatayang pinuwersang magbigay aliw sa mga sundalong Japanese noong World War II.

Tanging 70 natukoy na biktimang Pilipina ang nabubuhay pa sa ngayon, ayon sa Lila Pilipina. (Agence France-Presse)