Manny Pacquiao, Timothy Bradley

Balak ni WBO welterweight champion Timothy Bradley na puntiryahin ang kanang balikat ni eight-division world titlist Manny Pacquiao sa kanilang laban sa Abril 9 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.

Ikinatalo ni Pacquiao sa puntos kay dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. nang mapinsala ang kanyang kanang balikat sa 4th round ng kanilang sagupaan noong Mayo 2, 2015 sa Las Vegas na kaagad pinaoperahan matapos ang laban.

Nang tanungin ni boxing writer Radio Rahim ng BoxingScene.com, iginiit ni Bradley na tatargetin niya ang kanang balikat ni Pacquiao para lamang manalo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“I think the answer would be - what would you do? C’mon lets think here. You are a smart guy. What would you do?”

tanong ni Bradley. “Would you target that shoulder? What would you do? I will do whatever it takes to win.”

Naunang sinabi ni Pacquiao na kapag nagkaroon ng pagkakataon ay patutulugin niya si Bradley sa kanilang WBO welterweight title bout.

“If I get the chance (to knock him out), why not? I want to win convincingly,” sabi ni Pacquiao sabay paglilinaw na may tig-isa silang panalo kaya dapat matapos ito. “We still have an unfinished business,so,we need to settle this in our third fight. To me, he has improved a lot and that makes him a more challenging opponent atop the ring.”

Magsasanay ng isang buwan si Pacquiao sa General Santos City sa South Cotabato bago bumalik sa California para magsanay sa ilalim ni Hall of Fame trainer Freddie Roach.

Si Pacquiao ay may kartadang 57-6-2 win-loss-draw, na may 38 pagwawagi sa knockouts habang si Bradley ay may rekord na 33-1-1 win-loss-draw, na may 13 panalo sa knockouts. (Gilbert Espeña)