Matatanggap na rin sa wakas ng mga differently-abled athletes na nagwagi ng medalya sa 8th ASEAN Para Games sa Singapore ang pinakahihintay nilang insentibo mula sa gobyerno sa darating na Pebrero 5 sa PhilSports Arena.

Ito ang kinumpirma ni Alay Buhay Partylist Congressman at chairman ng House Committee on Youth and Sports na si Wesley Gatchalian sa pagdalo nito bilang isa sa espesyal na panauhin sa ginanap na Philippine Sports Hall of Fame awarding noong Lunes ng gabi sa Century Park Sheraton Hotel sa Malate, Manila.

“It will be a historic moment because it will be the first time that our national differently-abled athletes will be receiving their rightful incentives based on the new law that we in the Congress was able to passed and signed by our president himself,” sabi ni Gatchalian, na kasama ang dating PBA player na si Gerry Esplana.

Ang mga ParaGames athletes ang magiging unang benepisyaryo ng isinabatas na National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act na naggagarantiya sa pagbibigay ng P150,000 sa gold medalist,P75,000 sa silver medal winner at P30,000 sa bronze medalist.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang mga Pilipinong Paralympians ay tumapos na ikapito sa pangkalahatan sa ginanap na ASEAN Paragames noong Disyembre 3 hanggang 9 sa Singapore matapos na mag-uwi ng 16 na ginto, 17 pilak at 26 na tanso.

Si Menandro Redor na nagwagi ng apat na ginto sa chess ang makakapag-uwi ng pinakamalaking insentibo na umaabot sa mahigit na P400,000.

Tinatayang aabot kabuuang P6.4 milyong ang matatanggap ng mga atleta na kabilang sa PhilSpada. (ANGIE OREDO)