LAS VEGAS (AP) — Hindi kakasuhan ng mga awtoridad sa Las Vegas si Chris Brown kaugnay sa reklamo ng isang babae noong Bagong Taon nang magkaroon ng pagtatalo sa isang casino resort hotel room.

Ayon kay Clark County District Attorney Steve Wolfson, nakipagkita siya noong Miyerkules sa detectives na nag-imbestiga sa pangyayari noong Enero 2, at napagdesisyunan nila na walang sapat na ebidensiya laban kay Brown kaugnAy sa pananakit at pagnanakaw.

Ayon kay Police Officer Laura Meltzer, ang kaso ay suspended na.

Sinabi ng mga pulis na inireklamo ng babae si Brown na umano’y sinaktan at inagawan siya ng cellphone nang subukan niyang kunan ng litrato si Brown sa private party sa isang kuwarto sa Palms Casino Resort.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi agad tumugon ang publicist ni Brown na si Nicole Perna. Inilarawan naman niya ang salaysay ng babae bilang “unequivocally untrue” at gawa-gawa lang.

Si Brown, 26, ay nasa Las Vegas at katatapos lang magtanghal noong New Year’s Eve sa Drai’s nightclub sa The Cromwell.