WASHINGTON (Reuters) – Sinabi ni Washington, D.C. Mayor Muriel Bowser noong Lunes na aabutin ng ilang araw ang paglilinis matapos ang unos na nagtambak ng dalawang talampakang (61 cm) snow sa kabisera ng U.S. at hinimok ang mga residente na manatili sa kanilang mga tahanan hangga’t maaari.

“We knew that we would have ... several days of cleanup ahead of us... It’s important to know that the roads are still dangerous,” sabi ni Bowser sa isang news conference.

Paralisado ang kabisera ng bansa at mananatiling sarado ang mga paaralan hanggang ngayong araw. Kinansela ng House of Representatives ang lahat ng botohan hanggang sa susunod na linggo. Hinimok ng gobyerno ang mga tao na gumamit ng mass transit imbes na magmaneho at pumarada sa mga kalsadang barado ng snow.

Ayon sa mga opisyal na ulat, 36 katao ang namatay sa snowstorm sa East Coast, kabilang na ang mga naaksidente sa daan, at mga inatake sa puso habang nagpapala ng snow sa Washington, Delaware, Kentucky, Maryland, New Jersey, New York, North Carolina, South Carolina, Ohio, Tennessee at Virginia.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ni Risk Management Solutions meteorologist Jeff Waters na maikukumpara niya ito sa mga makasaysayang unos na kinabibilangan ng Blizzard noong 1996, na nagdulot ng tinatayang $1.5 billion lugi sa ekonomiya at $740 million lugi sa insurance.