Magkakabit-bisig ang aabot sa 900 kawani ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) upang tutulan ang pag-alis sa kanilang mga benepisyo kapag ipinatupad ang panukalang Salary Standardization Law (SSL).

Sa kanilang flag ceremony at breaktime kahapon, nagsuot ang mga kawani ng PAGASA ng itim na armband bilang protesta sa SSL.

Ayon kay Philippine Weathermen Employees Association (PWEA) president Ramon Agustin, hihilingin nila sa mga mambabatas na rebisahin ang panukalang batas upang hindi matanggal ang kanilang mga benepisyo sa implementasyon ng Republic Act 8439 o Magna Carta for Science and Technology (S&T).

“If they pass the SSL as it is, we will lose our benefits. They are the only thing we live on. We will really be in the losing end,” ani Agustin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinaliwanag niya na sa ilalim ng SSL, malaki ang mawawalang benepisyo sa rank-and-file ng PAGASA employees kumpara sa makukuha nilang pagtaas ng suweldo sa loob ng apat na taon.

Kasama nila sa protesta ang may 54,000 science and technology (S&T) workers na maaapektuhan rin ng mungkahing batas.

(Rommel P. Tabbad)