Nakatakdang pangalanan at bigyang parangal ngayong gabi ang napiling Smart Player of the Year sa idaraos na NCAA-UAAP Press Corps 2015 Collegiate Basketball Awards sa tulong ng Smart sa Saisaki-Kamayan EDSA Restaurant sa Greenhills ngayong gabi.

Pipiliin ng mga grupo ng mga mamamahayag na kumukober ng dalawang pangunahing collegiate leagues sa bansa ang magwawagi ng natatanging parangal mula sa napiling mga miyembro ng Collegiate Mythical Five na binubuo nina UAAP Season 78 MVP Kiefer Ravena ng Ateneo, NCAA Season 91 MVP Allwell Oraeme ng Mapua, Mac Belo ng Far Eastern University,Kevin Ferrer ng University of Santo Tomas at Scottie Thompson ng University of Perpetual Help.

Maliban sa kanila, nakatakda ring tumanggap ng parangal sa nasabing taunang pagtitipon sina FEU coach Nash Racela at dating Letran coach at ngayo’y headcoach na ng La Salle na si Aldin Ayo dahil sa ginawa nilang makasaysayang paggabay sa kani-kanilang koponan sa kampeonato ng kinaaniban nilang liga bilang Coaches of the Year.

Kasama din sa hanay ng mga awardees para sa nakalipas na collegiate season sina Roger Pogoy ng FEU at Kevin Racal ng Letran bilang Pivotal Players at sina Baser Amer ng San Beda,Mark Cruz ng Letran at Mike Tolomia ng FEU bilang Super Seniors.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakda ring bigyan ng kaukulang pagkilala sina Art dela Cruz ng San Beda at Ed Daquioag ng UST bilang Impact Players.

Pagkakalooban din ang nagretirong headcoach ng University of Perpetual Help na si coach Aric del Rosario ng Lifetime Achievement Award.

Samantala, nakatakda namang tumanggap ng mga special awards sina Arellano University guard Jiovanni Jalalon at La Salle skipper Jeron Teng sa event na suportado rin ng CCEL Quantum-3XVI, Gatorade, UAAP Season 78 host University of the Philippines, NCAA Season 91 host Mapua, San Miguel Corporation and the Philippine Sports Commission.

Si Jalalon ay pararangalan bilang Accel Court General habang si Teng naman ay gagawaran ng Gatorade Energy Player award.