Sinabi ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach na hindi isyu sa kanya ang pagbabayad ng buwis sa kanyang mga napanalunan mula sa prestihiysong pageant.

“I’ve always paid my taxes ever since I was in ABS-CBN, as an actress, when I was still a Binibini. So I’ll continue on doing that as long as I’m earning money here just like anybody else,” pahayag ni Wurtzbach sa panayam sa kanya sa Novotel sa Cubao, Quezon City. 

Subalit iginiit ni Wurtzbach na ang korona ng Miss Universe, na nagkakahalaga ng US$300,000, ay hindi maaaring buwisan dahil hindi ito sa kanya.

Iginiit ng Filipina-German beauty queen na ang korona, na gawa sa Czech Republic, na kanyang binitbit sa Pilipinas ay ipinahiram lang sa kanya.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ito ang inihayag ni Pia matapos paalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na bayaran ang tamang buwis para sa mga premyo na kanyang napanalunan, matapos koronahan bilang 2015 Miss Universe sa Las Vegas, Nevada, noong Disyembre 20, 2015.

Subalit iginiit ng magkapatid na kongresista na sina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Party-list Rep. Maximo Rodriguez na dapat pagkalooban ng tax exemption si Wurtzbach dahil sa karangalan nitong naibigay para sa mga Pinoy.

Samantala, inahayag din ng 26-anyos na beauty queen na handa siyang sumailalim sa HIV test sa New York, sa pagsusulong ng AIDS awareness ng Miss Universe Organization.

“To remove the stigma about HIV/AIDS, someone has to step forward so that other people can follow suit. I am planning to have myself tested in New York. It will be a public testing. So that everybody will know how important it is. Hopefully, many people are going to follow suit,” aniya. (Robert Requintina)