Hinimok ng isang opisyal ng transportasyon ang mga local government unit (LGU) noong Linggo na repasuhin ang kanilang kasalukuyang pamasahe sa tricycle at sumunod sa pagbaba ng pamasahe sa jeep at flag down rate sa taxi.

Ito ang pahayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Atty. Ariel Inton kasunod ng mga panawagan na ibaba ang pamasahe sa tricycle.

“In view of public service, I appeal to all LGUs to review their current tricycle fares. Prices of gasoline is continuously going down, jeep fares and flag down rate for taxis are currently reduced,” sabi ni Inton.

Nilinaw niya na ang mga LGU at hindi ang LTFRB ang may desisyon sa pamasahe sa tricycle. (PNA)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'