Maglalaan ng P200,000 pabuya ang pamahalaang lungsod ng Malabon sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek na pumatay kay Second District Councilor Merlin “Tiger” Mañalac, noong Sabado ng hapon.

Sinabi ni Mayor Lenlen Oreta na umaasa siyang makatutulong ang reward money upang malutas ang kaso ng pagpatay kay Mañalac.

Nanghihinayang ang alkalde sa konsehal dahil bukod sa tapat ito sa tungkulin, nagagampanan nito ang pagiging legislative sa Malabon City Council.

Maging ang mga kasangguni ni Mañalac ay hindi maiwasang malungkot sa kalunus-lunos na pagpatay sa konsehal.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kaugnay nito, bumuo ng “Task Force Mañalac” ang Malabon Police, sa pamumuno ni Senior Supt. Severino Abad.

Magugunita na tinambangan at pinagbabaril ng riding-in-tandem ang konsehal habang papasakay sa kanyang motorsiklo sa Barangay Tinejeros, dakong 4:00 ng hapon nitong Sabado. (Orly L. Barcala)